CATBALOGAN
Sinasabing ang Catbalogan ay tinatawag
Ang sinaunang komunidad ng Katbalaugan o Kabalaugan ay ginagawang pahingahan ng mga mangingisda, gamit ang kanilang maliliit na bangka, lalo na sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre, kung saan, malimit ang bagyo na dumadaan sa dagat dala ng northwest monsoons.
Bago pa dumating ang mga Espanyol, ang mga mangingisda mula sa isla ng Buad (ngayon ay Zumarraga) ay dumadaan sa baybayin na ito na puno nga mga “balaug” para magbanlaw ng kanilang sakyaw (fishing net) sa ilog ng Antiao, kasabay na rin ang kanilang pamamahinga. Sa simula, ginagawa lang nila itong pahingahan, hanggang sa kalaunan, magtayo na ang ilang mangingisda ng kubo sa may baybayin ng mga “balaug”, at dito na sila nanirahan ng permanente, kasama ang kanilang mga pamilya.
Noong 1616, matapos sunugin ng mga Moro ang Tinago, lumipat ang mga paring Heswita sa Catbalogan, at ginawa ang lugar na ito bilang isang pueblo, kasama ang mga kalapit na kumpol ng kabahayan sa may Cotay, Cawayan, Canahawan at iba pa.
Ang Catbalogan ay may nasasakupang anim na pueblo: kasama ng Catbalogan ang Calbiga, Paranas, Bangahun (ngayon ay Gandara), Yvatan at Capul. Hindi lang ginawang sento ng simbahan ang Catbalogan, kundi ginawa rin itong sentro ng pamahalaan at komersiyo, at ito ang ginawang cabecera ng isla ng Samar.
Lumawak ang Catbalogan mula sa isang maliit na kumpol ng mangingisda sa isang malaking kumpol ng kabahayan at mga tao. Ang populasyon nito ay umabot na sa 70,071 (1990 Census) na halos nagsisiksikan na lugar kung saan nagsimula ang kabihasnan dito. Dalawang porsyento (2%) lamang ang “lowland area” at ang iba ay sinasakop ng mga bulubunduking lugar. Mayroon itong 57 barangays, kung saan 14 dito ang nasa tabing baybayin ng isla.
Sa daan ng maraming taon, ang kalagayang demograpiko at piskilal na anyo ng bayan ay nagbago. Sa “lumang Catbalogan”, maliit na lang na parte ang mapagkakakilanlan nito. Sa ngayon, malaking porsyento ng populasyon ay nagmula sa ibang lugar at sa mga kalapit nitong isla at bayan. Dito matatagpuan ang pinakaunang paaralan ng sekundarya sa boung isla, na itinayo noong 1917, ang Samar National High School.
©Isinalin ni Jhonil C. Bajado
Mula sa Samar Provincial Historical Committee, Philippines
No comments:
Post a Comment